Sinasabing malaki na talaga ang pinagbago ng panahon, noon at
ngayon yan ang laging pinaghahambing sa maraming aspeto.Pati ba sa aspeto ng
pag-ibig ay nagkaroon na rin ng pagbabago?Paano naman ito nagkaroon ng kaibahan
sa panahon noon at ngayon?
Kung sa tingin ng mga
kabatan ngayon na ang paninilbihan ay pagpapaalila sa pamilya ng babae ay
nagkakamali sila. Ito ang paraan para maipakita mo ang iyong tunay na hangad
para sa iyong minamahal at ito ang pagsilbihan sya hanggang sa pagtanda.
Marahil nawala na nga ang
mga ito dahil sa makabagong teknolohiya at pag-gaya natin sa mga bansang
naka-aangat. Marahil nabago ang lahat dahil kung dati mahipo mo lang ang kamay
ng iyong nililigawan ay may nakatutok na agad na baril ang ama at sasabihin na
kailangan ng pakasalan ang anak. Sa ngayon, dahil lang sa mensahe na nababasa
sa tinatawag na cellphone ay nagiging magkasintahan na kahit walang nakikitang
pagpupursige ang mga kalalakihan. Nasaan na ang lakas ng loob nating mga
lalaki? Dadaanin na lang ba natin sa payabangan ng ating mga hawak na kagamitan
o ang puso natin na masasabi natin na pinaghirapan natin ang makuha ang masarap
na “OO” ng ating kabiyak?
Magpapadala na lang ba
tayo sa agos ng buhay kung saan ang ating kultura ay unti unti ng lalamunin
nito? Nasaan na ang tunay na lalaki na may lakas ng loob upang harapin ang
lahat? Nasaan na ang mga lalaking may lakas ng loob na hamakin ang lahat,
mapatunayan lang ang wagas nitong pagmamahal sa kanyang iniibig ?
Talagang iba na talaga ang
panahon ngayon alinsunod ng pagbabago at pag-unlad ng mundo ay ang pagbabago na
rin ng pag-uugali ng mga tao sa panahon ngayon.Ang dating mapanuyo at matyagang
kalalakihan ay naging mainipin at bolerong manliligaw na ngayon.Sana dumating
ang araw na ang dating ang dating mga kalalakihan ay manumbalik na upang ang
mga kababaihan ay hindi na luluha at sila ay tapat ng mamahalin ng kanilangl
kasintahan na mahal nilang tunay.Ang kababaihan ay hindi dapat pinaglalaruan at
pinaluluha bagkus dapat ay minamahal,inaalagaan, at iniingatan natin sila
bilang isang tunay na lalaki.