Huwebes, Agosto 27, 2015

Kalalakihan (Noon at Ngayon)

Sinasabing malaki na talaga ang pinagbago ng panahon, noon at ngayon yan ang laging pinaghahambing sa maraming aspeto.Pati ba sa aspeto ng pag-ibig ay nagkaroon na rin ng pagbabago?Paano naman ito nagkaroon ng kaibahan sa panahon noon at ngayon?

Kung sa tingin ng mga kabatan ngayon na ang paninilbihan ay pagpapaalila sa pamilya ng babae ay nagkakamali sila. Ito ang paraan para maipakita mo ang iyong tunay na hangad para sa iyong minamahal at ito ang pagsilbihan sya hanggang sa pagtanda.

Marahil nawala na nga ang mga ito dahil sa makabagong teknolohiya at pag-gaya natin sa mga bansang naka-aangat. Marahil nabago ang lahat dahil kung dati mahipo mo lang ang kamay ng iyong nililigawan ay may nakatutok na agad na baril ang ama at sasabihin na kailangan ng pakasalan ang anak. Sa ngayon, dahil lang sa mensahe na nababasa sa tinatawag na cellphone ay nagiging magkasintahan na kahit walang nakikitang pagpupursige ang mga kalalakihan. Nasaan na ang lakas ng loob nating mga lalaki? Dadaanin na lang ba natin sa payabangan ng ating mga hawak na kagamitan o ang puso natin na masasabi natin na pinaghirapan natin ang makuha ang masarap na “OO” ng ating kabiyak?

Magpapadala na lang ba tayo sa agos ng buhay kung saan ang ating kultura ay unti unti ng lalamunin nito? Nasaan na ang tunay na lalaki na may lakas ng loob upang harapin ang lahat? Nasaan na ang mga lalaking may lakas ng loob na hamakin ang lahat, mapatunayan lang ang wagas nitong pagmamahal sa kanyang iniibig ?

Talagang iba na talaga ang panahon ngayon alinsunod ng pagbabago at pag-unlad ng mundo ay ang pagbabago na rin ng pag-uugali ng mga tao sa panahon ngayon.Ang dating mapanuyo at matyagang kalalakihan ay naging mainipin at bolerong manliligaw na ngayon.Sana dumating ang araw na ang dating ang dating mga kalalakihan ay manumbalik na upang ang mga kababaihan ay hindi na luluha at sila ay tapat ng mamahalin ng kanilangl kasintahan na mahal nilang tunay.Ang kababaihan ay hindi dapat pinaglalaruan at pinaluluha bagkus dapat ay minamahal,inaalagaan, at iniingatan natin sila bilang isang tunay na lalaki.

1 komento:

  1. Sloty Casino Hotel Reno NV Map & Floor Plans - Mapyro
    Find your 서울특별 출장샵 way around the casino, find where 영주 출장샵 everything is 의정부 출장마사지 located with these helpful reviews, 목포 출장안마 photos, directions, and more. 보령 출장마사지

    TumugonBurahin